Linggo, Agosto 6, 2017

Parang Sabil


Párang sábil ang tawag sa mga patulang salaysay ng mga Tausug ng arkipelago ng Sulu. Ang parang sabil din ay katumbas ng epikong-bayan sa wikang Filipino. Mula ito sa dalawang salitang Tausug: ang perang na nangangahulugang digmaan o kayâ’y espada at sabil na nagmula sa sabilullah, ibig sabihin ay “sa pamamaraan ni Allah.” Kung kayâ masasabing ang kahulugan ng parang sabil ay “lumaban gamit ang espada ayon sa kagustuhan ni Allah” o kayâ “pakikidigma ayon sa kagustuhan ni Allah”. Ang parang sabil ay hindi gaanong hawig sa darangan ng Maranaw at epiko ng Magindanaw. Isang dahilan ang heograpiya: nasa arkipelago ng Sulu ang parang sabil ng Tausug samantalang nasa isang malawak na lupain ang mga Maranaw at Magindanaw. Kadalasan, ang parang sabil ay kinakanta tuwing gabi, lalo na kapag may kasayahan ang komunidad. Umaabot itong kantahin sa pitó hanggang sampung gabi, depende sa bilis ng tagakanta. Hábang kinakanta ang parang sabil, sinasabayan ito ng gabbang, isang instrumentong gawa sa kawayan na kawangis ng xylophone. Isang litaw na tema ng parang sabil ay ang pakikipagdigma ng mga Tausug sa mga dayuhang mananakop, lalo na ang mga Espanyol at mga Amerikano. Sa Parang Sabil ni Abdulla at Putli Isara noong Panahon ng Espanyol, kinanta ni Indah Annura kung paanong ipinaghiganti ng mga kapuwa Tausug ang dangal ni Putli Isara na niyurakan ng isang sundalong Espanyol. Sa Kissa Parang Sabil ni Panglima Hassan, ibinahagi naman ang kadakilaan ng bayaning Tausug na si Panglima Hassan ang pagtatanggol nitó sa Sulu na naging sanhi ng kaniyang kamatayan sa Bud Bagsak, isang bundok sa Sulu. Sa mga parang sabil ng Tausug, ipinapakita nitó ang ilang sentral na kamalayan ng Tausug, gaya ng maratabat (karangalan) at sipug (kahihiyan). (SJ) (ed VSA)

Mga Tausug


Ang mga Tausug o Suluk ay isang pangkat-etniko sa Pilipinas at Malaysia. Ang katawagang Tausug ay nagmula sa mga salitang Tau Sūg na nangangahulugang "mga tao ng agos" (Ingles: "people of the current"), na tumutukoy sa kanilang lupang tinubuan sa Kapuluan ng Sulu. Ang mga Tausug ay tinatawag na Suluk sa Sabah, Malaysia. Ang mga Tausug ay bahagi ng mas malaking pangkat-etniko na Moro, ang ika-anim na pinalalaking pangkat-etniko sa Pilipinas. Mayroon sila noon na isang nagsasariling estado na tinawag na Sultanato ng Sulu, na dating ipinamalas ang kanilang kapangyarian sa pook na sa ngayon ay binubuo ng mga lalawigan BasilanPalawanSuluTawi-Tawi at ng estado ng Malaysia na Sabah (dating Hilagang Borneo).

Ang pinagmulan ng epiko:
Mindanao

Mindanao is located in Philippines
Ang Mindanao o Kamindanawan ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Ito rin ang tawag sa isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas (ang dalawa ay ang Luzon at ang Kabisayaan), na binubuo ng pulo ng Mindanao at ng mga nakapalibot na mga maliliit na pulo. Pinakamalaking lungsod sa Mindanao ang Lungsod ng Davao. Sa 21,968,174 populasyon ng Mindanao, (ayon sa senso noong 2010) 10 bahagdan ay mga Moro o Muslim.
Ang Mindanao ang bukod tanging pook heograpikal sa Pilipinas na may malaking bilang ng mga Muslim. Ang pinakatimog na bahagi ng Mindanao, partikular ang lalawigan ng Maguindanao Lanao del SurSulu, at Tawi-tawi (na bahagi ng Nagsasariling Rehiyon ng Muslim na Mindanao (ARMM), ay tahanan ng nakararaming Pilipinong Muslim. Dahil sa malawakang kahirapan, pagkakaiba-iba ng relihiyon, ang pulo ay kinakitaan ng paghihimagsik ng mga komunista, pati na rin ng mga kilusang armadong separatistang Muslim.

Kagandahan ng Mindanao:
Picture

Isa sa magagandang tanawin sa Mindanao ay ang Lake Sebu, sa South Cotabato.
Ang Lake Sebu ay ang pinakamalaki sa tatlong lawa sa Cotabato. Sa laki nitong 234 hektarya, maraming tao ang namamasiyal gamit ng mga bangka rito.
PictureIsa rin sa kagandahang lugar sa Mindanao ay ang Kopiat Island sa Mabini, Compostela Valley.
Ito ay may laking 87 hektarya. Ang pulong ito ay puno ng mga puno at pinaliligiran ng tubig. Kabilang ang Kopiat Island sa Mabini Protected Landscape and Seascape sapagkat ito ay ang "breeding ground" ng mga "protected and regulated species" ng mga pagong.
Sikat rin ang Kopiat Island marahil maraming tao ang puwedeng mag-"snorkling" at "diving" dito.
'Di malayo sa Kopiat Island ay ang Lunod Island na sikat sa mga "mangrove" nito at ang magagandang hayop sa katubigan.
Picture
Ang Dahican Beach sa Mati, Davao Oriental ay sikat sa kagandahan nito. Marami na ring nagsasabing turista na ang Dahican ay ang pinakamagandang tanawing nadalaw nila sa Pilipinas.
Kung mahilig kang mag-"skimboarding", ang Dahican ay para sa iyo! Sapagkat marami na ring timpalak ng skimboarding ang naganap rito.
Picture
Britania Group of Islands, malapit sa bungad ng Karagatang Pasipiko, ay kinagigiliwan ng maraming turista.
Ang mga pulong ito ay matatagpuan sa Surigao Del Sur. Ang Britania Islands ay napupuno ng mapuputing buhangin at pinaliligiran ng malinaw na katawan ng tubig, kaya ang mga turista ay nagpupunta sa mga pulong ito.
Picture
Matatagpuan sa Davao del Norte, ang Pearl Farm Beach Resort ay dating breeding ground ng mga kakaibang lamang-dagat na kung tawagin ay white-lipped oysters. Ang Pearl Farm ay kinagigiliwan ng mga turista, lalo na ng mga scuba divers sapagkat maraming malalaking kulumpol ng mga isda rito at malalaking taklobo. 'Di rin kalayuan sa mismong resort ay may dalawang kinagigiliwang lumubog na barko ng mga Hapon noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.